Saturday, January 2, 2010

Repost: I am Sam


Welcome naman ng bonggang bongga para sa uber pretty new housemate na si Sam Pinto! Ang real name niya ay Samuelle, though mas kilala siya sa nickname niya. Fashion design ang course niya sa CSB, at dahil tri-sem dun, kailangan niyang i-repeat ang lahat ng kinuha niyang subjects kasi nga naudlot ang sem niya with PBB. Super creative siya at bukod sa unique designs niya, kaya niya ring magtahi ng damit. Simple girl lang si Sam, pero big dreams ang meron siya. Game siya sa unang task ni Kuya na magsuot ng patong-patong na damit for the housemates, at kahit pa naka-dress siya at puro hawak na sa kanya ang mga hindi pa niya kilalang housemates (rule kasi ni Kuya sa task e ang pwede lang magtanggal ng clothes sa kanila ay yung may-ari ng damit), hindi siya nag-inarte. Good follower daw itong si Sam, at ok lang sa kanya na sa background lang lalo na kung bagong salta sya. Later on, pag gamay na niya ang mga kasama, tsaka na siya magpapakitang gilas!
Simpleng kagandahan e no? Definitely someone to watch out for!

No comments:

Post a Comment