Tuesday, January 12, 2010

PBB evictee Sam Pinto reveals actor Jake Cuenca once courted her

Glen P. Sibonga

Tuesday, January 12, 2010
07:17 AM

Napasabak agad sa intriga ang latest Pinoy Big Brother Double Up evictee na si Sam Pinto sa kanyang live guesting sa The Buzz noong January 10. Kaagad kasing tinanong ng mga host na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino kung totoo nga bang naging boyfriend ni Sam ang aktor na si Jake Cuenca?

Itinanggi ito ni Sam, pero inamin niya na nanligaw sa kanya noon si Jake bago pa ito sumikat nang husto sa ABS-CBN. Ngunit naudlot din daw ang panliligaw ng aktor nang maging busy ito sa kanyang TV projects.

"Ayun, naging busy siya sa soap niya... Tayong Dalawa," sambit ni Sam.

Tanong ni Kris, "Tapos, parang hindi ka na niya pinansin because he was busy?"

"Yeah!" sagot ni Sam.

Na-hurt ba siya?

"A bit, yeah."

May communication pa ba sila after nito?

"After that, wala na."

Ang masakit daw para kay Sam ay hindi man lang daw siya kinausap ni Jake para ipaliwanag na gusto munang mag-focus ng aktor sa career nito. Parang nawala na lang daw itong bigla.

Napalitan na ba niya si Jake?

"No."

May dine-date na ba siya ngayon?

"Wala. I don't like. Wala lang."

Ngayon, no hard feelings na raw siya para kay Jake at may mensahe pa nga siya para sa aktor.

"Hi, how are you? Nandito ako. Nakikita ko siya sa TV. You're so famous now. I'm so happy for him."

PBB LIFE. Seven weeks din daw nag-stay si Sam sa Bahay ni Kuya. "What did you learn inside the house?" tanong ni Boy.

"I learned so many things, actually. I learned to be independent. Kasi ever since sobrang baby ako talaga... ni Mommy," sagot niya.

Ayon kay Sam, nahirapan din siyang mag-adjust sa mga housemate na nauna nang pumasok sa PBB. Si Sam kasi, along with Rocky Salumbides, na nag-voluntary exit, ang pinakahuling pumasok sa PBB.

"Sobrang nahirapan ako lalo na lahat sila magkakakilala na. Tapos pumasok ako. Whenever they talked about yung mga nagawa na nilang tasks, parang ako, 'Oh crap,' wala akong masabi about it."


How come you don't like Johan [Santos, isa sa mga housemates]?" tanong naman ni Ruffa.

"Okay lang naman siya. He's nice, really nice. Maalaga, sobra. But, ano ba? Siguro hindi ko lang talaga siya feel."

SHOWBIZ CRUSH. Sinong crush niya sa showbiz na gusto niyang makatrabaho?

"Si Gerald Anderson," tila kinilig na sagot ni Sam.

Ikina-react naman ni Kris ang sagot ni Sam dahil kay Kim Chiu, na gaganap na anak ni Kris sa bagong ABS-CBN soap na Kung Tayo'y Magkakalayo. Si Kim ang ka-loveteam ni Gerald. Biro pa ni Kris, baka puwede raw na love triangle ang tatlo para raw may bagong kainisan ang mga Kimerald fans.

"Baka naman sinabi mo si Gerald para buwisitin mo si Jake?" bulalas ni Kris.

"No. No naman," tugon ni Sam.

SAM'S CHOICE. Sa huli, tinanong si Sam kung para sa kanya sino ang big winner sa PBB ngayon?

"I want Jason [Veron Francisco] to win," sabi niya. "Kasi parang he's a really nice person sa heart niya. Kahit naughty siya pero yung heart niya talaga sobrang bait niya."

Ang 20-year-old na si Sam ay isang commercial model bago ito pumasok sa PBB. Ang buo niyang pangalan ay Samuelle Lynn Acosta Pinto. Kumukuha siya ng kursong Fashion Design sa College of St. Benilde bago siya naging housemate.

Na-evict si Sam noong Sabado, January 9, makaraang makakuha ng total of 8.46% ng pinagsamang save and evict votes. Nasagip naman ang co-nominees niyang sina Johan (10.19%)
at Jason (34.46%).

-http://www.pep.ph/news/24363/PBB-evi...ourted-her/1/1

No comments:

Post a Comment